Harry Potter and the Seven Books

Alas dose y medya ng madaling-araw nang simulan kong isulat ang lathalang ito. Parehas na oras mga 5 na taon na ang nakalipas ng pinagpupursigihan kong pagpuyatan ang books 4, 5 and 6 ng Harry Potter series.

Ilang libro, kwento, palabas sa telebisyon o sine, o kathang isip na tao ang masasabi mong hindi mo makakalimutan habang nabubuhay ka? Yung mga bagay na tingin mo kaya mo pa ring ikwento sa mga apo mo dahil naging malaking parte na sila ng buhay mo?

Ikalabingapat ng Hulyo 2011 ng matapos ang kwento ni Harry Potter. Tapos na, kasi pinalabas na sa sine yung HP7 part 2. Alam na ng marami na mabubuhay si Harry Potter at mamatay si Voldemort sa bandang huli – medyo tipikal na masayang pagwawakas pero para sa isang tulad ko na sumubaybay sa kwento, wala na kong maisip na mas kaaya-ayang pagtatapos kundi yung magkatuluyan si Harry Potter at Hermione Granger dahil mas bagay sila sa palabas. Si Ron Weasly pwede na siguro sya kay Luna Lovegood tapos si Ginny Weasley kay Neville Longbottom dahil pogi naman sya sa HP7 part 2. Atsaka marami ang nagulat sa kanyang heroic transformation (hindi ko kasi matandaan sa libro na may nakasulat na pumayat at gwumapo si Neville).

July 24 ko na napanood yung HP7 part 2 ( lagpas isang linggo makalipas yung unang araw na pinalabas yung pelikula sa Pinas) pero hindi ko lang talaga maitatangi sa sarili ko at sa kahit sinong magtatanong sakin yung pakiramdam na parang may umuusbong na bulaklak sa puso ko matapos mapanood yung HP7 P2. Yun yung pakiramdam ng kapanatagan at kasiyahan na maayos na nagwakas ang kwento na sinubaybayan mo nang maraming taon. Naubos na ang mga horcruxes at naglaho na ang lahat ng mga kaluluwa ni Voldemort at matiwasay nang makakapagturo ulet si McGonagall sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry. May nabasa akong quote ang sabi maganda daw yung librong nabasa mo kapag sa oras na titiklupin mo na yung huling pahina ng libro pagtapos basahin yung libro, para kang iniwan ng matalik mong kaibigan. Basta, parang ganun yung pakiramdam. Ganun din yata yung naramdaman ko nung matapos kong basahin ang Deathly Hallows nung 2007.

Nung mga dating dati pa (1st year hayskul yata ako nun) pinalabas yung Harry Potter and the Sorcerer’s Stone. Kung tama ang alala ko, medyo nagpick-up na yung Book 1 nun bago ipinalabas sa sine ang HP1. Hindi pa ako fan noon nang pinanood namin sa bahay ng kaklase ko nung hayskul yung HP1, kaya hindi ko gaanong inintindi yung kwento. Ang naintindihan ko lang dun , wizard si Harry Potter tapos team mate niya si Ron at Hermione; naglaro si Harry ng Quidditch tapos magaling na sya kagad; tapos panalo ang Griffyndor sa house cup kasi biased si Dumbledore porket peyborit niya ang bida ng pelikula. Yun na.

Book 2 ang unang libro na nabasa ko. Hanggang ngayon di ko pa ren nababasa yung Book1 (pahiram kung meron ka). Wala kong binili kahit isa sa HP books pero tapos ko ang Books 2 to 7. Puro hiram lang. Hindi ko maalala kung nauna yung pagbasa ko ng libro o yung panonood ko ng pelikula. Basta ang tanda ko lang naengganyo na ko basahin yung mga sumunod na libro pagkatapos ko basahin yung book 2. Tapos pinanood namin sa sine yung Chamber of Secrets kasama pinsan kong babae at papa niya tapos sabi ng tito ko panget daw yung HP2 kasi walang nanalo sa house cup saka hindi gumamit sila Harry ng spell na Wingardium Leviosa. Dedma lang ako kasi nga di ko naintindihan masyado yung HP1.

Sa Book 3 naman nagsimulang magkaruon ng mas malinaw na katuturuan ang mga bagay bagay sakin. Book 3 pinakilala si Remus Lupin, si Sirius Black, si Wormtail at si James Potter. At sa Prisoner of Azkaban sinimulang ibunyag ni J.K. Rowling yung ibang detalye sa buhay ng mga magulang ni Harry. Kung hindi mo gaanong kabisado ang HP series, mahalaga yung papel na ginampanan nung apat na lalaking nabanggit ko sa taas sa buhay ni Harry Potter. OK yung book 3, pero kung ikukumpara mo sa ibang susunod na libro ng HP,  mahirap sabihing Book 3 ang pinakamagandang libro.

Sumunod syempre si Book 4, si Goblet of Fire. Yun yung pinakamakapal na book sa Harry Potter series. Marami yung nagandahan sa libro at pelikula sa mga kakilala ko, kasi dun naganap yung TriWizard tournament. Gusto ko si Victor Krum para kay Hermione, parang Mr. Bad-ass meets Ms Know-it-All. Si Cedric Diggory, ayos lng, pogi sya. Kaya lang di ko ma-dig masyado yung personality niya. Siguro kasi ganun lang talaga, kasi Hufflepuff sya. Haha.

Si Cho Chang, ok sana. Cute, chinita, mukhang mabango, mukhang malinis at saka mukhang inosente at mabait. Yun pala palikera, namangka sa dalawang ilog. Di niya ba naisip na mas may kinabukasan sya sa piling ng bidang si Harry? Mas mahaba sana ang appearance niya saka talent fee kung si Harry ang pinili niya at hindi si Cedric Diggory.

Next yung book 5, the Order of the Phoenix, na siyang para sakin pinakahindi magandang book sa anim na libro na nabasa ko. Kung gaano kasi ka action-packed yung book 4, ganun ka passive yung book 5. Supot yung action scenes sa dulo, nung pumunta sila sa Department of Mysteries.

Ang pagkakatanda ko, sunod sunod kong binasa yung book 4, 5, 6 sa loob ng isat kalahating linggo. Syempre may pasok nun kaya tuwing uwian ko lang nababasa talaga. Kelangan ko pagpuyatan yung pagbabasa, kasi hiram nga lang. Natatandaan ko pang nalalate ako sa first at second period ko nung second year college (2005-2006) dahil sa Harry Potter. Bawi naman kasi at least kasama ko hanggang sa pagtulog at sa panaginip si Hermione Granger. Haha!

Tapos yung book six: Harry Potter and the Half-Blood Prince. Bukod sa Book 7, book 6 yung pinakapaborito ko. Hindi ko kasi nahulaan na si Snape pala yung Half-Blood Prince na tinutukoy sa pamagat ng libro. Hindi ko ren naman kasi pinaglaanan ng oras na isipin at hulaan kung sino yung Half-Blood Prince, at saka ang husay ng pagkakasulat ni JK Rowling. Merong punto habang binabasa ko yung 6 na napaisip ako kung si Neville yung half-blood prince. Bukod dun, napaka-dramatic nung pagkamatay ni Dumbledore at pagkabunyag ng pagkatao ni Severus Snape. Ang husay lang nang pagkakasulat talaga. Papasabikin ka sa huling libro.

Maswerte ako na yung pinaghiraman namin ng Book 7, mabilis nakabili ng libro. Syempre Masaya akong parasitiko, kasi hindi ako huli sa mga pangyayari. Buong kagalakan kong binasa ang bawat pahina ng Book 7, parang batang sabik malaman kung ano yung mangyayari sa bidang bayani o sa bidang prinsesa.

Katulad ng inasahan ko, hindi yung mismong nangyari sa libro yung pinakita sa pelikula. Pagkakatanda ko kasi ginamit ni Harry yung Invisibility Cloak sa laban nila ni Voldemort. Pero wala yun sa HP7 part2. Pero ayos lng. Yung pelikula, hindi nakakadismaya. Wala namang dapat ikalungkot dahil mahusay na nagtapos ang kwento ni Harry Potter.

Tapos na yung Harry Potter series, kasi pinalabas na sa sine yung HP7 part 2 –alam na ng marami na mabubuhay si Harry Potter at mamatay si Voldemort sa bandang huli. Pero hindi alam ng iba, yung mga hindi nagbasa ng libro, kung gaano kasarap yung pakiramdam na makasama si Harry Potter (pati na yung dalawa niyang alalay) hanggang sa huli. Para akong nawalan ng tatlong matalik na kaibigan, pero masaya pa rin kasi alam ko na mabubuti na ang kalagayan nila sa buhay at hindi na nila kailangang magliwaliw sa Hogwarts sa gabi sa paghahanap ng kasagutan sa mga misteryo ng likhang-isip nilang buhay.

Malaking bagay sakin na mabuhay sa panahon kung kelan isinulat yung Harry Potter. Sa isip-isip ko, isa ang Harry Potter sa mga kwentong hindi ko makakalimutan habang nabubuhay pa ko. Kulang man sa ibang detalye, pero pupusta ako, kaya kong ikwento ang istorya ni Harry Potter, tatlumpong taon makalipas ngayon.

Sa ngayon, wala akong ibang gustong pasalamatan kundi si J.K. Rowling- dahil hindi sya bumitiw sa kanyang pangarap. Yung pangarap na pagsilang ng isa sa mga pinakamakasaysayang kwento sa kasaysayan ng mundo. At saka syempre dun sa nagpahiram sa akin ng Books 2-7. Walang magiging kahulugan ang lahat ng sinulat ko dito kung hindi mo ko pinahiram at hindi ko nabasa ang mga libro.

Baka nga kung hindi dahil sayo, naging isa na kong bulag na panatiko ng Eclipse saga.

Advertisements

8 comments

  1. Isang magandang basahin sa umaga… ^_^

    1. haha fan ka ren pala ng HP Exc 😛

      1. hndi, nadala lang ako XD

  2. yung friend ko fan sya ng HP. tuwing first day of showing. simula HP movie 1 hanggang 7.2. wholeday sya nanonood ng sine. paulit ulit hanggang last full show :))

  3. Christian Rae Correa · · Reply

    Di mo ba alam na magkakaron ng Book 8.. Mabubuhay ulit si Voldemort pero this time, tutulungan na si Harry ni Frodo.

  4. Nice article.. Honestly mejo pareho tau ng views.. Magaling ka talaga mag-express. Haha!
    Ung kay Snape being the half-blood prince hindi ko rin nahulaan, pero na-deduce ko na horcrux si Harry, book 5 or 6 yta. ^_^
    Nagustuhan ko pala ung last italicized sentence ng article mo.. Hahaha!

    1. Hahay naku, Eclipse saga…haha! Kafal ng face i-market as the story which could beat Harry Potter ba un? basta parang ganun. Yun lang, ayoko maging hater. haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: