Ayokong Pumasok Bukas

Ayokong pumasok bukas.

Gusto kong humilata sa kama buong maghapon habang nanonood ng mga pinakabagong action  o scifi movies. Gusto kong humigop ng mainit na sopas at uminom ng mainit na tsokolate at magbasa ng libro buong araw habang humahagupit ang malalakas na hangin at bumubuhos ang matinding bagyo sa buong Kamaynilaan. Gusto kong magbalik-loob sa panonood ng tv at baka wala na kong alam kung may bago bang palabas sa ETC at 2nd avenue. Gusto kong yakapin ang aking mga unan at damhin ang kanilang mainit na pagmamahal habang nakatalukbong sa kumot at nananaginip ng gising. Kala mo napakarami kong oras bukas para pwede kong gawin ang lahat ng mga sinabi ko pero bakit hindi subukan? Tayo ang may hawak ng sarili nating oras at nasa atin ang desisyon kung paano natin ito ilalaan sa mga bagay na makakapagpasaya sa atin. Para sakin,  walang mas sasarap na pakiramdam akong naiisip sa ngayon kundi ang kakaibang sensasyon ng naglalabang init at lamig at yung kapanatagan na ligtas ka sa loob ng sarili mong tahanan – yung hindi mo kelangang isipin kung makakauwi ka ba ng bahay o maiistranded ka sa opisina bukas dahil hindi mo kayang lumusong sa bahang hanggang bewang.  At saka cool kaya na maramdaman na para kang estudyanteng  muli na hindi maikubli ang kaligayahan dahil narinig mo sa tv na walang pasok sa eskwelahan.

Tutal nagsimula na ren ako magdasal ulet baka isama ko na lang sa panalangin ko na sana bumuhos ang bagyo bukas ng umaga para may matinding rason ako para hindi pumasok sa opisina. Isasama ko na ren sa pagdulog ko sa Panginoon na sana wag naman pong magbrown-out Lord dahil yan ang sisira ng lahat ng plano kong magpakasarap buhay bukas. 😥

Advertisements

One comment

  1. angel lea · · Reply

    ^_^buti kami ala pasok yey!!! makakapagcabal na ahaha xD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: