About
Ang bawat tao ay isinilang sa mundo na parang isang tabula rasa – isang blangkong papel. Habang ang tao ay lumalaki sya ay nagkakaron ng bagong kaalaman, karanasan, ala-ala at ito ang nagiging laman
Tungkol sa May-Akda
Tinaguriang weirdo at may sariling mundo simula nung bata dahil sa kakaibang katahimikan na kadalasan ay di maunawaan nang karamihan. Itim ang kanyang buhok, maliit, payat, makapal ang kilay, malaki ang tiyan, pero gwapo. Marami ang nagsasabing gwapo sya kaya naman para mapasaya ang lahat nang nagsasabi nang ganun sa kanya ay pinaniniwalaan niya yun ng walang halong pagdududa. Pangalawa sa tatlong magkakapatid na lalaki na parehas na kinakausap/nakakausap niya lamang yata mga limang oras sa isang linggo. Likas na nerd kaya walang alam sa gawaing-bahay at lumaking nagbabasa ng libro at naglalaro ng video games. Matalino daw siya pagdating sa academics pero bobo sya pagdating sa pag-ibig. Oo, tanga-tanga sya pagdating sa pag-ibig kaya puro pagpapacute at pagbobrowse ng porn na lng ang ginagawa niya. Nakikipagusap sa kanyang sarili, kumakanta ng mag-isa, kinakain niya ang kanyang mga sinasabi at nagmamadali sa pagsasalita, nananakit ng damdamin nang iba ng hindi niya nalalaman, pinagtsitsismisan niya ang kanyang mga kaibigan at namumura niya ng harapan ang kanyang mga magulang paminsan-minsan. Madalas din siyang huli sa pagpasok sa trabaho, malakas magwaldas ng pera, matigas at mainitin ang ulo, pintasero at makakalimutin.
Ganunpaman, sa kabila nang lahat ng kapintasan niya sa buhay, isa siyang tunay na kaibigan : nagmamalasakit at handang magsakripisyo kung kinakailangan. Wala siyang ibang inaasam kundi mapaligaya ang mga taong mahal niya sa paraang nalalaman niya, sa pamamagitan ng mga bagay na kaya niyang gawin o sabihin. Madali siyang magtiwala sa mga tao at marunong siyang umunawa at magbigay kung meron siyang sobra. Hindi niya layunin ang manakit nang iba at ang totoo niyan kung bibigyan siya ng Poong Mahabagin ng isang kahilingan, hindi limpak limpak na salapi o sportscar na red ang hihilingan niya, kundi WORLD PEACE. (Nakalimutan kong sabihin kanina na sinungaling talaga sya).
Sa kasalukuyan siya ay dalawamput dalawang taong gulang. Nakatira sa Maynila kung saan siya lumaki at kung saan niya natutunan ang mga kaalamang itim at patuloy na nakikibaka sa hamon ng buhay. Nanonood siya palagi nang mga videos sa youtube, kumakanta ng mga latest songs, naglalaro ng mga online games, nang-aalipusta, nakikipag-inuman, nakikipagkaibigan, naghahanap ng true love, naghahanap-buhay at nangangarap na sana man lang magkaroon siya nang kahit konting sense of humor.
SI PALAGONG PEPOT
(Di pa tapos)
Sorry, the comment form is closed at this time.