scene 1:

sa harap ng klase may hawak na test tube si ma’am. merong lamang likido yung test tube, pero hindi  alam ng mga estudyante niya kung ano ang laman nun. hinipan nya ung test tube tapos parang nagkaron ng mga bula yung likido.

class, this is an acid i have in my test tube. what kind of acid is this?

*mistulang natulala at natahimik ang mga estudyante, kaya nayamot ang guro na nagtuturo ng advance chemistry*

hinipan niya muli yung test tube, tapos nagtanong.

when i blew air into the tube, what have I added to the liquid?

isang bata sa ikaanim na mesa ang sumagot: carbon dioxide.

so, what acid is this im holding right now?

batang nasa ikaanim na mesa ulit: carbonic acid??

hindi mawari ng mga estudyante kung bahagyang ngiti ba ang kumorte sa mukha ni ma’am o ewan pero nilapag niya na yung test tube duon sa test tube rack. at muling napatunayan nung bata na sya ang star sa asignatura na yun.

scene 2:

abala ang mga mag-aaral sa pagtapos sa eksperimento nila para sa araw na yun. sa unang mesa, sinasagutan ng isang lalaki ang kanyang experiment paper…

‘Oh shit, bakit anlaki ng iniba ng values. mali to!’ sa isip isip niya pagkatapos niyang muling mabasa ang titulo ng eksperimento: Law of Mass Conservation.

naalala niya na nabasa niya sa libro na hindi dapat magbago ang pinagsamang mass ng reactants sa products ng chemical reaction. kaya mali ang lumabas sa kanyang experiment, kaya binago niya ang sinulat niya sa papel.

Mataas ang nakuha niyang marka sa eksperimentong yun.

bata pa lang ako alam ko na kung sang subject ako magaling – sa science. sa lahat kasi ng subject nuon, agham lang ang nakakasagot sa mga katanungan mula sa malikot kong isipan. tulad nang kung totoo bang pwedeng humiga at matulog sa mga ulap ang mga tao katulad ng ginagawa ng batang si Son Goku; o kung bakit merong water droplets na nabubuo sa  gilid ng baso ng malamig na tubig. Yung una hindi totoo dahil una sa lahat hindi  normal na tao si Son Goku dahil isa syang Saiyan at dahil ang mga cumulus clouds ay hindi solid; samantalang ang mga water droplets ay nabubuo dahil sa tinatawag na condensation at kumakapit sila sa baso dahil sa adhesion. Oha, kakaresearch ko lang ulet niyan! haha.

mabalik sa seryosong usapan, lab na lab ko nga talaga ang science dati pa. swerte ka kung nabasa mo yung isa sa mga most talked about blog article ko na pinamagatang ‘Nung Bata Pa Ko ang Sabi ko sa Sarili ko Magiging Scientist Ako’ kasi maganda yun. marami ang humanga sa akin pagkatapos nilang mabasa yun. naging IDOL nila ko.

katulad nga nung malupet na nagsabi ng: when i grow up, i wanna be a little boy, pagmalaki at mayaman na ako, gusto kong maging isang tunay na siyentipiko. Gusto ko kasi yung mageksperimento ulet ako ng mga sumasabog na mga chemicals. Yun talaga ang umakit sa akin kaya nahiligan ko ang science, yung mga sumasabog na chemicals.