Isa sa mga araw na to gusto kong simulan ang pagbabalik-loob sa isa sa mga gawain sa mundo na tunay na nakakapagpaligaya sa akin: ang pagsusulat. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang gusto kong isulat, siguro sa mga susunod na araw pa mas magiging malinaw sa akin kung anong klaseng uri ng panitikan ang pinakaepektibong pang-gising sa natutulog kong talento sa pagsusulat.
Gusto kong isipin na meron talaga akong talento sa pagsusulat - gaya ng sabi ng ibang mga tao na nakabasa ng mga dati kong akda. Ang problema kasi sakin hindi talaga ako committed. Hindi ako seryoso. Purong libangan lang. Kaya nga lang, naniniwala ako sa sabi ng mga batikang manunulat – kelangan ng matinding sakripisyo, maraming oras at hindi mabibilang na tasa ng kape para maging mahusay sa larangang ito.
Para mas magmukhang planado at makatotohanan ang usaping ito, hayaan nyong tawagin ko itong isang writing project – may timelines, may personnel involved (ako ren lang naman syempre), may budget (oras), may assured quality (hindi pwedeng basta-basta lang) at saka syempre may target – kailangan ko na talagang matutong magsulat muli.
Basta malalaman mo na lang sakin kung bullshit na naman ang usaping ito. (Pero pwedeng hindi ren dahil baka makalimutan ko namang meron pala akong sinulat na ganito).
http://www.nanowrimo.org/
try mo dyan sir vinse