Kapag tinatamad ka gawin ang isang bagay na dapat ginagawa mo, hindi ibig sabihin nun wala ka nang ginagawa o wala ka nang saysay.  Kung iisipin nating mabuti, kadalasan pag tinatamad tayo sa isang bagay eh nabubuhos yung atensyon natin sa ibang pwedeng pagkaabalahan. Halimbawa, tinatamad ako magtrabaho kaya naisip kong bisitahin at magsulat muli dito sa inaanay kong blog. Parang  kapag tinatamad kang kumilos, sisipagin kang matulog.

Kayo na ang masipag kung babatikusin nyo ang pagtatamad-tamaran ko pero ang akin lang, lahat naman siguro may karapatang tamarin paminsan-minsan at aksayahin ang oras sa mga hindi masyadong makabuluhang bagay (nabulol ako sa sinulat ko).