Para akong nakikipaghabulan sa oras sa pagsulat ng lathalang ito kaya hayaan nyong isulat ko ito sa pinakamaikling paraan na kaya ko:

Para sa pagiging matatag sa hamon ng buhay sa pinakamadramang paraan,

Para sa pagpapamalas ng likas na lalim at ganda ng wikang Tagalog,

Para sa  mga nakakatawang lathalang walang layuning magpatawa,

Para sa lakas ng loob na ipaalam sa buong mundo ang nilalaman ng puso at isipan sa kabila ng mapanuring mata ng lipunan,

Para sa pagiging mahusay na manunulat,

At higit sa lahat para sa pagmulat sa aking mga isipan sa tunay na kahulugan ng personal blogging.

Ang aking boto para sa  Philippine Blog Awards 2010 Bloggers’ Choice Award ay para kay Chiksilog.